Songtexte.com Drucklogo

Soup Songtext
von Amiel Sol

Soup Songtext

Pero kailan ba tayo magkikita ulit?

Bakit kaya ′pag hawak ang 'yong kamay
Ang oras kay bilis, ′di mapalagay
Iba ba talaga ang takbo ng araw
'Pag ikaw ang aking kaharap?

Ngunit ano 'tong nadarama
′Pag ′di kita kasama?

Ang tagal ng oras 'pag hindi ka kapiling
Hanggang kailan pa ba maghihintay
Hanggang ika′y makatabi sa gitna ng ulan? (Ulan, ulan)
Kahit na tayo'y magkasakit, ikaw ay aalagaan
At bibigyan kita ng mainit na sabaw


Pauwi na naman galing sa inyo
Nagtataka na tila ang araw ay dumaan sa ilang minuto
Ganito ba talaga ′pag kasama ka?
'Di mapigilang mag-alab ang tindi ng pagsinta

Ngunit ano ′tong nadarama
'Pag 'di kita kasama?

Ang tagal ng oras ′pag hindi ka kapiling
Hanggang kailan pa ba maghihintay
Hanggang ika′y makatabi sa gitna ng ulan? (Ulan, ulan)
Kahit na tayo'y magkasakit, ikaw ay aalagaan
At bibigyan kita ng mainit na sabaw

Na may halong pagmamahal
Ako na ang bahala
′Di bale nang mahawa
Basta't ikaw ay kayakap sa gabi

Hanggang pagsikat ng araw
At sa paggising, ako′y nasa 'yong tabi
Sa wakas, sa wakas
Sa wakas, ako′y nasa 'yong tabi


Sige, bukas ulit, ha

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Soup« gefällt bisher niemandem.