Songtexte.com Drucklogo

Siguro Songtext
von Yeng Constantino

Siguro Songtext

Ang gusto ko, gusto ko
Gusto ko sanang sabihin sa iyo
Pero paano, paano?
′Pag malapit ka'y nauutal ako
Nahihiya, tumitiklop
Nawawala bigla ang sasabihin ko
Ang nakikita ko lang ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko ay naglalaho

Siguro′y umiibig
Kahit 'di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako
Magbabaka-sakaling ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo, sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising


Ayaw ko, ayaw ko
Ayoko sanang magmukhang tanga sa ′yo
Pero nalilito, nalilito
′Pag sasabihin ay nagbubuhol ang dila ko
At tulala na lang sa 'yo
Ano ba naman, bakit lagi na lang gan′to?
Ang nakikita ko lang ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko ay naglalaho

Siguro'y umiibig
Kahit ′di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako
Magbabaka-sakaling ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo, sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising

Parang wala nang mangyayari sa nadarama
Sa bawat araw, parang lalong lumalala-la
Bakit ba sa ′yo hindi pa rin ako nagsasawa?
Aasa na lang kahit sa pangarap lang


Siguro'y umiibig
Kahit 'di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako
Magbabaka-sakaling ika′y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo, sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising

Kahit umiibig
Kahit ′di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako
Magbabaka-sakaling ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo, sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Yeng Constantino

Fans

»Siguro« gefällt bisher niemandem.