Songtexte.com Drucklogo

Pauwi Na Ako Songtext
von Silent Sanctuary

Pauwi Na Ako Songtext

Ako ay uuwi na
Walang mahanap na tula
Hahatakin ng alon para bumalik sa'yo
Sadyang nakakapagod
Lalamunan ko'y hinagod
'Wag mo nang hintaying maiwan ng araw

Nililigaw tayo ng minsan
Walang mahanap na daan
Sundan mo lang ang mga tala
Sakyan mo lang ang buwan
Tignan mo kung merong naiwan
Mahirap kayang balikan
Dala ang mga bilin mo
Binibitbit ko na


Pauwi na ako
Pauwi na ako
Maghintay ka lang
Marami pa akong kwento sa'yo
Pauwi na ako
Pauwi na ako
'Wag ka munang matutulog
At yakapin mo ako

Nakanino ba ang mga ticket ng bus
At naiinip na ako
Padala ni Fronton
Bagahe umaalon
First time lang ni Jayjay 'to
Tumawag na si Erwin
Naweirduhan si Juling iyakin
Magpraktis daw kami sabi ni Toper

Mauuna kaming sumalang
Ito naging aming dalang
Maghihintay ng matagalan
Nasa'n na?
Ayoko nang tumagal pa dito
At pariyan na ako
Dala ang pasalubong n'yo
Matitikman n'yo na


Pauwi na ako
Pauwi na ako
Maghintay ka lang
Marami pa akong kwento sa'yo
Pauwi na ako
Pauwi na ako
'Wag ka munang matutulog
At yakapin mo ako

Pauwi na ako
Pauwi na ako
Maghintay ka lang
Marami pa akong kwento sa'yo
Pauwi na ako
Pauwi na ako
'Wag ka munang matutulog
'Wag ka munang matutulog
'Wag ka munang matutulog
At yakapin mo ako

Songtext kommentieren

Schreibe den ersten Kommentar!

Übersetzung

Beliebte Songtexte
von Silent Sanctuary

Quiz
„Grenade“ ist von welchem Künstler?

Fan Werden

Fan von »Pauwi Na Ako« werden:
Dieser Song hat noch keine Fans.