Songtexte.com Drucklogo

Huli Na Ang Lahat Songtext
von Silent Sanctuary

Huli Na Ang Lahat Songtext

Lalabas na muna 'ko ng bahay
Magpapahangin lang
Maya maya pa't mababawasan
Ang tinik sa kalamnan
Dati-rati sa tuwing tayo'y may tampuhan
Lambingan ang sagot sa daan
Anong nangyari, laging sinasabi
"Pag-ibig na walang hanggan"

Ganyan ba talaga sa una?
Ibang kislap ng mga mata
Ngunit habang tumatagal ay
Konting kibo't naiinis na
Pumapangit ang ating itsura
Bumibilis sa pagtanda
Tuldok na insidente lalong gumagrabe
Tiwala ay naging bula
Dumidilim ang langit


Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
'Di na lalago mga dahon

Isulat na natin ang wakas
Sa huling pahinang babasahin
Wala nang aatras
Dabihin ang dapat aminin
Pasensya ka na
'Di naibigay ang lahat sa'yo
Sabay huminga
Sumisikip na ang mundo
Dumidilim ang langit

Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
'Di na lalago mga dahon

Huli na ang lahat sa atin
Palayo na ang tugon
Matayog na ang puno
Ngunit ugat nama'y nalason


Huli na ang lahat (Huli na ang lahat)
Huli na ang lahat (Huli na ang lahat)
Huli na ang lahat (Huli na ang lahat)
Huli na ang lahat

Malaya ka na
Malaya na rin ako
Malaya ka na
Malaya na rin tayo

Songtext kommentieren

Schreibe den ersten Kommentar!

Übersetzung

Beliebte Songtexte
von Silent Sanctuary

Fan Werden

Fan von »Huli Na Ang Lahat« werden:
Dieser Song hat noch keine Fans.