Songtexte.com Drucklogo

Tuwing Umuulan Songtext
von Regine Velasquez

Tuwing Umuulan Songtext

Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak
Sa mga halama′t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot
Sa buong paligid tuwing umuulan

Kasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong ganda
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maaari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa?
Hanggang ang hangi′t ula'y tumila na

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo, ′di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko′y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka


Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila
Ikaw ri′y magpapaalam na
Maaari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa?
Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma′y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko′y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Maaari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa?
Sa tubig at ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo, ′di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko′y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma′y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko′y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Regine Velasquez

Fans

»Tuwing Umuulan« gefällt bisher niemandem.