Songtexte.com Drucklogo

Pag-ibig ang Piliin (Choose To Love) Songtext
von Moira Dela Torre

Pag-ibig ang Piliin (Choose To Love) Songtext

Pareho lang tayo
Naghahanap ng kublihan kung saan tayo tanggap
Ang magmahal nang hindi kailangan magpanggap
Ngunit minsan, nasasaktan, gayong nagmamahal ka lang

Tinatakasan ang mapanghusgang mundo
Ngunit kung pag-ibig lang ang panghawakan mo, ha

Kahit na ′di natin alam ang bukas
Kahit 'di sumikat ang araw at bumuhos ang ulan
Kahit ′di umayon ang tadhana
Isang tawag mo lang, pupuntahan, nasa'n ka man
Ganyan ang tunay na pag-ibig, 'di takot sa mundo
Ipaglalaban kita hanggang sa dulo

Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko


Pareho lang tayo
Naghahanap ng makakapitan, mahal kang totoo
Walang panghuhusga at tanggap ka nang buo
Ngunit minsan, nasasaktan, gayong nagmamahal ka lang

Maiiwasan ba ang lupit ng mundo?
Ngunit kung pag-ibig lang ang panghawakan
Sapat na ′yan, kumapit lang

Kahit na ′di natin alam ang bukas
Kahit 'di sumikat ang araw at bumuhos ang ulan
Kahit ′di umayon ang tadhana
Isang tawag mo lang, pupuntahan, nasa'n ka man
Ganyan ang tunay na pag-ibig, ′di takot sa mundo
Ipaglalaban kita hanggang sa dulo

Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Moira Dela Torre

Fans

»Pag-ibig ang Piliin (Choose To Love)« gefällt bisher niemandem.