Songtexte.com Drucklogo

Bakit Nga Ba Mahal Kita Songtext
von Laarni Lozada

Bakit Nga Ba Mahal Kita Songtext

Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang, lahat ay gagawin

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko tanging dilim ang saksi

Bakit nga ba mahal kita
Kahit ′di pinapansin ang damdamin ko
'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa′yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba't baliw na baliw ako sa'yo?
Hanggang kailan ako magtitiis?
O bakit nga ba mahal kita?


Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sa′yo′y 'di kailanman magmamaliw
Buong buhay paglilingkuran kita
Hindi maghahangad ng ano mang kapalit

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko tanging dilim ang saksi

Bakit nga ba mahal kita
Kahit ′di pinapansin ang damdamin ko
'Di mo man ako mahal, heto pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa′yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba't baliw na baliw ako sa′yo?
Hanggang kailan ako magtitiis?
O bakit nga ba mahal kita?


Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
'Di mo man ako mahal, heto pa rin akong
Nagmamahal nang tapat sa′yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba′t baliw na baliw ako sa'yo?
Hanggang kailan ako magtitiis?
O bakit nga ba mahal kita?

Mahal kita?

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Quiz
Wer ist gemeint mit „The King of Pop“?

Fans

»Bakit Nga Ba Mahal Kita« gefällt bisher niemandem.