Songtexte.com Drucklogo

Akin Ka Na Lang Songtext
von Itchyworms

Akin Ka Na Lang Songtext

'Wag kang maniwala d'yan
'Di ka n'ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo
Kung mapupunta ka lang sa kan'ya

Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang
Sa milyun-milyong babae n'ya

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa'yo

'Di naman ako bolero
Katulad ng ibang tao
Ang totoo'y 'pag nand'yan ka
Medyo nabubulol pa nga ako


Malangis lang ang dila n'yan
'Wag kang madala
Dahan-dahan ka lang
Baka pati ika'y mabiktima
'Wag naman sana

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa'yo

'Di naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan
'Wag ka dapat sa 'kin magduda
Hinding-hindi kita pababayaan

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa'yo

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa'yo

Wala nang hihigit pa sa'yo
(Akin ka na lang)

Songtext kommentieren

Schreibe den ersten Kommentar!