Songtexte.com Drucklogo

Gaya Ng Dati Songtext
von Gary Valenciano

Gaya Ng Dati Songtext

Dati-rati, laman ng puso mo ay ang pangalan ko
Lagi ako sa isip mo
Dati-rati, inaawitan pa, labi ay may ngiti
Mga mata′y nagniningning

Nguni't ngayon, nagbago ka
Nasa′n na ang init ng pagsinta?
Pangako mo'y hindi magwawakas

'Di ba′t noon, samyo ng bulaklak
At ihip ng hangin ay kapansin-pansin?
′Di ba't noon, takbo ng oras ay ′di mo napapansin
Laging naglalambing

Nguni't ngayon, naglaho na
Sigla′t tamis ng iyong pagsinta
Pagmamahal ko ba'y kailangan pa?


Dati-rati, mga pangako ko′y kandungan mo't lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
'Di ba′t noon sa kaibigan mo′y ako'ng bukambibig?
Bakit ngayo′y ano'ng lamig?

′Di mo alam, ako'y nasasaktan
Sa ′di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay
Naghihintay, oh

Ako′y nasasaktan
Sa ′di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako′y naghihintay

'Di mo alam, ako′y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka′t ako'y naghihintay

Panginoon, ako'y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin Mo
Mula ngayon, ang buhay kong ito′y iaalay sa Iyo
Gamitin Mo ako gaya ng dati
Gaya ng dati
Gaya ng dati

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gary Valenciano

Fans

»Gaya Ng Dati« gefällt bisher niemandem.