Songtexte.com Drucklogo

Wedding Song Songtext
von Davey Langit

Wedding Song Songtext

Ito ang araw na inantay mo nang kay tagal
Buhat no′ng ikaw ay natutong magmahal
Nasaktan at nabigo, lumuha at natuto
Na ang pag-ibig nga pala'y hindi isang laro

Sa milyon-milyon na tao dito sa mundo
Ay may nag-iisang nakalaan para sa ′yo
S'ya rin ang dahilan ba't mga dating sininta
Ay hindi ipinagkaloob sa ′yo ng tadhana

Saksi ngayon, ating mga pamilya′t kaibigan
Sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan
Dahan-dahan kang naglalakad patungo sa 'kin
Sa saliw nitong tugtugin

Tan-ta-na-nan, tan-ta-na-nan
Ikaw nga ang babaeng aking papakasalan
Tan-ta-na-nan, tan-ta-na-nan
Aking makakasama sa magpakailanman
Ang pag-ibig na hinanap ko nang kay tagal
Nahanap din kita, bigay sa ′kin ng Diyos na lumikha


'Di mailalarawan ng kahit anong salita
Wala ngang sino man ang papantay sa ′yong ganda
Napapailing na lang, ba't mo ako nagustuhan
Piniling makasama, oh, ang swerte ko naman

Kaya pangako ko, mula sa araw na ito
Sa bawat pag-idlip at sa bawat gising mo
Ay sisikapin kong kailanma′y 'di magwawakas
Ang ngiti't ligaya ng iyong mga bukas

Saksi ngayon, ating mga pamilya′t kaibigan
Sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan
Dahan-dahan kang naglalakad patungo sa ′kin
Sa saliw nitong tugtugin

Tan-ta-na-nan, tan-ta-na-nan
Ikaw nga ang babaeng aking papakasalan
Tan-ta-na-nan, tan-ta-na-nan
Aking makakasama sa magpakailanman
Ang pag-ibig na hinanap ko nang kay tagal
Nahanap din kita, nahanap din kita
Ikaw pala, sinta, ang bigay sa 'kin ng Diyos na lumikha

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Davey Langit

Fans

»Wedding Song« gefällt bisher niemandem.