Songtexte.com Drucklogo

Kung Ako Na Lang Sana Songtext
von Ariel Rivera

Kung Ako Na Lang Sana Songtext

Heto ka na naman, kumakatok sa ′king pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto naman ako, nakikinig sa mga kuwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan

Ewan kung bakit ba, hindi ka ba nadadala?
Hindi ba't kailan lang nang ika′y iwanan n'ya?
At ewan ko nga sa 'yo, parang balewala ang puso ko
Ano nga ba′ng mayro′n s'ya (ano nga ba′ng mayro'n s′ya?)
Na sa akin ay 'di mo makita?

Kung ako na lang sana ang ′yong minahal, 'di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal, ′di ka na muling luluha pa
′Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko (narito ako), naghihintay lamang sa 'yo


Heto pa rin ako, umaasang ang puso mo
Baka sakali pang ito′y magbago (naghihintay na lang)
Narito lang ako (narito lang ako), kasama mo buong buhay mo
Ang kulang na lang, mahalin mo rin akong lubusan

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal, ′di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal, ′di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko (narito ako), naghihintay lamang sa 'yo
Kung ako na lang sana

Ooh, whoa, whoa
Kung ako na lang sana ang ′yong minahal, ′di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal, ′di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko (narito ako), naghihintay lamang sa ′yo
Kung ako na lang sana

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Fans

»Kung Ako Na Lang Sana« gefällt bisher niemandem.