Songtexte.com Drucklogo

Daig Mo Pa Ang Ahas Songtext
von Abaddon

Daig Mo Pa Ang Ahas Songtext

Madalas kitang makita′t mapansin
Mata'y nakatingin nang masama′t pailalim
Na para bang may maitim na binabalak sa kapwa tao
Puro kapahamakan at nakakatakot kang nilalang mistulang animal
Bituka'y halang at sadyang hangal
Ugali'y parang pusali, mabait kunyari
Pagtalikod mo′y yari ka sa buwitreng hari (buwitreng hari)

Mga mata′y huwag kang magsara
Baka bigla na lang siyang magpalit ng maskara
Tutunawin ka niya kahit matigas ka pa
At malalaman mo na lang pagnalimas ka na (pagnalimas ka na)

Iwas na kung may pag-asa pa
Huwag mo ng antayin mag-ala Satanas pa siya
At 'pag napansin mong nag-aayong ahas na siya
Ay simula pa lang yan ng una niyang maskara (maskara)


Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas
Kapatid, nakakabilib
Kasi daig mo pa ang ahas

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas
Kaibigan ka pa man naturingan
Daig mo pa ang ahas

Animo′y aninong nakakabit
Kahit sino may demonyo nakalapit
'Di mo mang gusuhing makapanakit
Tuturuan ka niya kung pano′ng tamang pagkalabit
Ahas na 'di gumagapang sa sahig
Nakakalason ang lahat ng sinasabi ng bibig
At sa sandaling kailangan na niya ng pantawid
Ay tatablahin ka niya kahit turinga′y kapatid (kapatid)


Nilamon ng walang lunas na sakit
Makamundong inggit at may galit pang kalakip
Sipsip lang ng sipsip sa mga taong kalapit
Gusto puro pakabig hindi marunong magbalik
Bakit may mga tao na sabik makapanik
Sa magandang buhay kahit ang daan ay matarik
Iiwan ang kahapon at hindi na babalik
Handang gawin ang lahat
Kahit sa puwet pa hahalik (hahalik)

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas
Kapatid, nakakabilib
Kasi daig mo pa ang ahas

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas
Kaibigan ka pa man naturingan
Daig mo pa ang ahas

Mahirap mahulaan ang tunay na kulay
Pati ang bilang nang 'yong sungay
Isang tao pero parang aso
Malahalimaw na nag-aanyong payaso
Salamin, salamin
Ano ang 'yong nakita
Ahas na may kamay ba at dalawang hita
Lulutuin ka niya sa sarili mong mantika
Para siyang matandang may dalang manika

Kaibigan mong patalikod na manira
Ang kinahiligan ay ang manghulog at manghila
Tanging sandata niya′y matalim sa dila
Huli na para makipasaulian ng kandila
Hangad lang ay puro pansariling kaligtasaan
′Di mo mahulaan ang taglay niya na kapintasan
Mahusay kausap kapag iyong kabigkasan
Humanda ka na't baka sunod ka na sa listahan niya

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas
Kapatid, nakakabilib
Kasi daig mo pa ang ahas

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas
Kapatid, nakakabilib
Kasi daig mo pa ang ahas

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)
Daig mo pa ang ahas
Kaibigan ka pa man naturingan
Daig mo pa ang ahas

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Abaddon

Fans

»Daig Mo Pa Ang Ahas« gefällt bisher niemandem.